POL MONTIBON
SORPRESANG ininspeksyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang tanggapan ng Bureau of Customs (BOC).
Kasama ng PACC sa sorpresang inspeksyon ang tropa ng Special Action Force.
Aabot naman sa isandaang kawani ang posibleng managot dahil sa paglabas ng ilang container gamit ang pekeng dokumento.
Pina-subpoena na rin ng PACC ang ilang dokumento sa BOC.