ADMAR VILANDO
INIIMBENTARYO ng PNP Highway Patrol Group ang mga sasakyan na naka-impound sa mga himpilan ng pulisya sa buong bansa.
Ito, ayon kay PNP-HPG Director Police Brigadier General Dionardo Carlos ay bilang pagtupad sa kautusan ni PNP Officer-In-Charge Police General Archie Francisco Gamboa.
Una nang naglabas ng direktiba si Gamboa sa kapulisan na nagbabawal na gamitin ang mga sasakyan na narekober sa operasyon.
Ginagamit din ang mga ito bilang ebidensya sa iba’t ibang mga kaso ng krimen.
Tiniyak din ni Carlos ang mahigpit nilang panghuhuli sa mga sasakyan bilang pagtalima sa “No Plate, No Travel Policy.”