EYESHA ENDAR
LUMAGO ang ekonomiya ng bansa sa third quarter ng taon.
Batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala sa 6.2% ang gross domestic product o GDP growth ng bansa, mas mataas ito sa 5.5% na paglago noong ikalawang quarter ng 2019 at sa 6.0% na mula sa nakaraang taon.
Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, kabilang sa may pinakamataas na kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ang services sector na may 6.9 percent, sinundan ng industry sector na tumaas sa 5.6 percent habang lumago ang agriculture sa 3.1 percent.
Una nang iniulat ng PSA ang pagbagal sa inflation rate sa bansa sa 0.8 percent na pinakamababang naitala mula 2016.