HANNAH JANE SANCHO
IKINATUWA ng Malacañang ang resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Station o SWS.
Sa inilabas na resulta ng survey ng SWS, pumalo sa 78 percent o walo sa sampung Pilipino ang nagsabing kuntento sa performance ng Duterte administration.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nangangahulugan ito na hindi nakikinig ang mayorya ng mga Pilipino sa mga pamumulitika at paninira ng mga taga-oposisyon.
Kinikilala ng Office of the President na mataas ang satisfaction rating ng mga Pilipino sa mga usapin ng pagtulong ng gobyerno sa mga mahihirap, pagiging transparent ng gobyerno sa mga transaksyon at pagkakaroon ng klarong mga polisiya.
Sa kabila nito, sinabi ni Panelo na hindi tumitingin ang pangulo sa mga numero at naka-pokus lang siya sa pagtupad sa kanyang tungkulin na ipinagkatiwala sa kanya ng taumbayan nang walang hinihinging reward.