NI EYESHA ENDAR
BUMUHOS ang kabi-kabilang pagbati mula sa mga fans at kapwa artista kasunod ng pag-anunsyo ng engagement nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
Sa instagram post ni Matteo, makikita ang larawan nila ng nobyang si Sarah kung saan tila sinasakal ng singer ang nobyo.
Kapansin-pansin sa larawan ang diamond ring na nakasuot sa kaliwang ring finger ni Sarah.
Ayon sa kampo ng actor, naging pribado ang proposal na isinagawa nito.
Ilan sa mga nagpaabot ng pagbati sa dalawa ay sina Alex Gonzaga, Bea Alonzo, Luis Manzano, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Bianca Manalo, Martin Nievera at maraming iba pa.