Pangalagaan ang sarili lalo na kung dumaan sa operasyon.
Ni: CHAMPAIGNE LOPEZ
ANG pagpaparetoke lalo na sa mukha ay isang sensitibong operasyon kaya pagkatapos nito siguraduhing maaalagaan ang sarili upang maiwasan ang ano mang komplikasyon.
Narito ang ilan sa mga dapat gawin pagkatapos ng operasyon:
Kumain ng tama. Sa bawat operasyon ay may idinadagdag, mayroon ding binabawas kaya kailangan kumain ng tama upang maibalik ang mga tissues at cells na nawala sa katawan. Bukod pa dito ay makakatulong din ang nutrisyon sa pagbabalik ng kasiglahan at lakas.
Magkaroon ng sapat na tulog. Kinakailangan ng sapat na oras ng pagtulog upang muling mapabalik ang iyong lakas. Kailangan din ng pahinga upang mag-rejuvinate ang ating skin cells at mag-improve ito na siyang makikita sa ating pisikal na kaanyuan at magkaroon ng natural glowing skin.
Sundin ang mga ipinagbabawal. Sa bawat operasyon ay natural lang na mayrong ipagbawal sa iyo, gaya ng mga hindi mo maaring kaanin, maging sa mga inumin o maaring gawin dahil posible na ito ay makasama sa iyo. Kaya sundin ang mga bilin sa iyo ng doktor upang mapabilis ang iyong paggaling.