SMNI NEWS
“THE challenge is accepted pero hindi ako magsasalita hihintayin ko na lang.”
Ito ang naging pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa programang Spotlight matapos itong hamunin ni Vice Ganda, isang TV host, na ipahinto ang traffic sa EDSA at ang teleseryeng ang Probinsyano.
Binigyang-diin ni Pastor Apollo, na dapat ay maging maingat ang mga nasa broadcast sa pagpapahayag ng kanilang mga saloobin o opinion lalo na kung ang isang personalidad o istasyon ay sikat na.
Dagdag pa nito, dapat isipin ng mga ito ang pagtulong at maging halimbawa sa kapwa.
“Pag kayo nasa entertainment at masyado na kayong sikat, pati yung network ninyo masyadong sikat, think about helping humanity. Think about being an example to others. Think about being an example to the next generation,” pahayag ni Pastor Apollo.
Inihalimbawa pa ng butihing Pastor ang long time running noon time show na Eat Bulaga sa pangunguna ni Bossing Vic Sotto na bukod sa saya ang hatid nito sa mga manonood ay nakakatulong pa ito sa sambayanang Pilipino at sa kalikasan.
“Alam niyo kung bakit mahal ko si Bossing Vic Sotto pati yung programa niyang Eat Bulaga. Tingnan ninyo ang ginagawa nila para sa tao hindi nila pinapatutsada.
Gumawa sila ng mga paaralan, tinutulungan nila yung mga nandoon sa barangays. Kaya inimvite ko sila dito, mahal ko siya at ang kanyang programa na ‘yan ay magpapatuloy kahit kailan pa man kasi may pagtulong sila sa kanilang kapwa.
At ako sa kanilang mga jokes natatawa ako kasi mga humor na maganda.
Pero ang example nila sa sangkatauhang Pilipino napakaganda hindi kabastusan, hindi kalokohan, hindi yung pagyurak ng mga honor ng mga tao, hindi yung ipahihiya ka, pagtatawanan ka, at your expense gagawa sila ng joke. So, hindi pagpapalain ng Diyos ang ganoong mga klase.”
Matatandaan nag-courtesy call kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa KJC Compound sa Lungsod ng Davao sina Bossing Vic Sotto, kasama si Senate President Tito Sotto.