ANG eat-all-you-can na mga resto ay patok na patok ngayon dahil sa masarap na pagkain sa sulit na halaga.
NI: STEPHANIE MACAYAN
POPULAR sa mga Pinoy ang unlimited buffet. Bukod sa malakas kumain ang karamihan sa atin ay sulit nga naman talaga ang mga ito. Kaya ating alamin ang mga restaurant na may abot kaya at masarap na unlimited buffet.
Saan at anong mga eat-all-you-can resto ang masarap puntahan at kainan na ang halaga ay nasa 1,000 pesos pababa lamang?
Ang buffet ay bagay para sa mga taong malakas at madami kumain at mga taong hindi alam at walang ideya sa kung anong gustong kainin.
Kung kayo ng mga kaibigan mo ay naghahanap ng makakainan na bubusugin ang sarili kahit na isang araw lamang, narito ang ilan sa mga maaari mong puntahan:
THE ALLEY BY VIKINGS
Maaring narinig mo na ang mga food halls at food parks, pero nakarinig ka na ba ng “lets you eat until you can’t?” Ang The Alley Viking ay para sa iyo.
Isang street-inspired hall na may 15 na iba’t-ibang specialty ng pagkain.
Maaring mamili sa American burgers, pizza, dimsum o mga steamed foods, Italian pasta, salad at marami pang iba.
Sa halagang P688 plus five percent service charge para sa adult pag weekday lunch; P888 adult weekday dinner plus five percent service charge; pag weekends and holidays, P888 plus five percent service charge sa lunch at dinner.
Ang The Alley Viking ay matatagpuan sa 2/F Phase 2, UP Town Center, Ayala Mall, Katipunan Ave, Central Diliman, Quezon City.
SAMGYUPSALAMAT
Sino ba naman ang ayaw ng Korean BBQ? Sikat na sikat ngayon ang unlimited samgyupsal, kaliwa’t kanan ka tumingin ay may makikita ka.
Pinipilahan ng marami dahil bukod sa ito ay mura, talaga namang masarap ang pagkain na sine-serve dito. May iba’t-ibang flavor ng beef at pork, maging ang side dishes ay iba-iba rin. Magmumukhang fiesta sa iyong lamesa dahil sa dami ng pagkain.
Unlimited ang pork, beef, side dishes, kanin pati ang iced tea. P399 ang lunch ngunit pork lamang ang maaring unlimited, sa P449 na lunch maaari ka na kumain ng pork at beef, mula 11 a.m. hanggang 3 p.m. Pagdating naman ng 3 p.m. hanggang 2 a.m. ang unlimited pork ay P449 at ang unlimited pork and beef naman ay P499; ito ang mga presyo kapag weekdays. Pag weekends naman, ang unlimited pork ay P449 at ang unlimited pork and beef naman ay P499 mula 11 a.m. hanggang 2 a.m.
Maraming branches ang Samgyupsalamat kaya naman hindi ka mahihirapang hanapin ang resto na ito.
VIKINGS
Kilalang kilala ang Vikings sa mga buffet resto. Maraming selection pagkain sa Vikings; maraming appetizer at salad, may Asian, Western at Mediterranean na mga putahe at marami ring pagpipiliang mga dessert. P739 hanggang P938 ang buffet dito. Marami ring branches ang Vikings kaya’t hindi mahirap hanapin ito.
DAD’S WORLD BUFFET
Isa ang Dad’s sa mga naunang sumikat na buffet sa Metro Manila. Makakapamili ang diner mula sa halos 12 na iba’t-ibang putahe.
And Dad’s World Buffet ay masarap puntahan kung ang hanap mo ay simpleng East at West na food trip.
Sa halagang P588 hanggang P838 mae-enjoy na ang masasarap na pagkain dito.
Marami rin silang branches kaya naman huwag na magpahuli, bisitahin at kumain na dito.
SWEET INSPIRATIONS
Ito ang isa sa mga longest-running na establisyemento sa Katipunan Ave. Kung hindi mo pa nasusubukan kumain sa Sweet Inspirations, ito ang tamang oras upang puntahan ito dahil ang kanilang eat-all-you-can na Mongolian Rice Bowl ay nagkakahalaga lamang ng 380pesos.
Meron itong branch sa 3/F Hemady Square Building, E. Rodriquez Sr., Quezon City at ang main nito ay nasa 311 Katipunan Ave, Loyola Heights, Quezon City.