MARGOT GONZALES
TINAWAG ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na Extravagant o maluho ang pagkakagawa sa isang higanteng kaldero para sa torch lighting ceremony ng Sea Games 2019 sa New Clark City.
Ayon kay Drilon kwestyonable ito lalo pa’t sa halagang 55 Milyong piso ay 55 ng paaralan ang maipapatayo ng pamahalaan.
Aniya 4.4 milyong piso ang ginastos para sa disenyo ng kaldero, 13. 4 Milyon para sa pundasyon at umaabot naman sa 32 Milyon ang nagastos para sa konstruction nito.
Ayon sa mambabatas dapat malaman kung dumaan ba sa bidding ang pagkakagawa sa kaldero dahil sa nakikita niyang irregularidad sa pagkakagawa nito.
Aniya pagkatapos ng Sea Games ay maghahain ito ng resolusyon para imbestigahan ang ginawang magarbong paggastos para lamang sa nasabing kaldero.