STEFANOS Tsitsipas
YNA MORTEL
NASUNGKIT ni Stefanos Tsitsipas ang maituturing niyang ‘biggest title’ sa kaniyang tennis career.
Ito ay pagkaraang nasungkit ng 21 year old player ang kampeonato sa ATP Finals.
Tinalo ni Stefanos si Dominic Thiem sa final round sa score na 6-7 (6), 6-2, 7-6 (4).
Maituturing namang pinakabatang nagkampeon sa naturang torneyo si Tsitsipas sa loob ng labing-walong taon matapos ang kaniyang naging pagkapanalo.
Nag-uwi rin si Stefanos ng kabuuang $2.6 million bilang cash prize.