CLADS Action Center, binuksan na
MJ MONDEJAR
NAGTAYO ang Coalition of Licensed Agencies for Domestic and Service Workers o CLADS ng sariling action center na maaaring lapitan ng mga nagbabalak, kasalukuyan at nagbabalik na mga Overseas Filipino Workers o OFWs.
Ang Action Center ay tutulong sa mga OFWs na may problema sa kanilang deployment at iba pang mga concerns na may kaugnayan sa kanilang hanay.
Espesyal na panauhin sa ribbon cutting ceremony ng CLADS Action Center sina Labor Secretary Bebot Bello at OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na nagpaabot ng pasasalamat dahil sa malaking tulong ito para sa mga OFWs.
Ang CLADS Action Center ay matatagpuan sa GHR Building, 713, Remedios St. Malate Manila.
Maliban sa action center, inilunsad din ng CLADS ang kanilang 24/7 Hotline at Official Facebook page na maari ring tumanggap ng mga reklamo at concerns mula sa mga OFWs.
Samantala, bukod sa launching ng Action Center, nagkaroon din ng general membership meeting ang CLADS katuwang ang Overseas Placement Association of the Philippines o OPAP na ginanap sa New World Hotel sa Maynila kung saan niratipikahan ang code of ethics na binuo para sa OFW Department Bill.
Naging panauhin din sa nasabing pulong sina DOLE Secretary Bello at Kabayan Partylist Rep. Ron Salo kung saan inilahad nito ang inputs ng kamara sa OFW Department Bill.
Sa huli, tiniyak ng CLADS na magpapatuloy ang ugnayan ng kanilang hanay sa pamahalaan para tiyakin ang maayos na deployment at pagbibigay proteksyon sa mga bagong bayani ng bansa.