NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
ANG ating Dakilang Ama ay isang mapanibughong Panginoon. Kapag Kanyang nasumpungan ang inyong puso ay buo na, ako na bilang pastol, ay hahayaan Niyang makipaglaban para sa inyo at ng inyong kaluluwa.
Tingnan sila na dating kasa-kasama natin ay gumagawa ng maling akusasyon laban sa Anak na akala nila ay mananalo sila pero hindi. Inakusahan nila ako ng pang-aalipin ng tao at human trafficking. Naawa ako sa kanilang mga kaluluwa dahil sila ay naut-ut at ngayon, sila ay naging mga demonyo at diablo. Ang digmaan sa langit ngayon ay nasa mundo na.
Sa salita ng Panginoon, sinasabi dito sa Mga Taga-Colosas 3:5-6
(5) Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa, pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na iya’y pagsamba sa mga dios diosan;
(6) Na dahil sa mga bagay na iyan ay dumarating ang kagalitan ng Dios sa mga anak ng pagsuway.
Paggamit ng Internet para sa kaluwalhatian ng Kaharian
Ang kapanahunan ng Internet ng sobrang pagkakonekta, milyon-milyon ang gumugol ng oras para sa mga kalapastangan at hindi maka-diyos na mga nilalaman na ipinakakalat sa social media. Ang paglustay ng oras, na siyang pinakamahalagang kasangkapan, ay katumbas sa isang hindi matapat na pamamahala sa mga kagamitan ng Ama. Sa kabila na igugol ang inyong oras sa paggawa sa Kalooban ng Ama para sa ikasusulong ng kaligtasan at pagkagulang ng inyong kaluluwa, naroroon kayo kasama ng demonyo araw-araw.
Masyado ninyong inibig ang demonyo na dinumihan na ang inyong pag-iisip. Kapag makikinig kayo sa mga Salita ng Ama, hindi na pumapasok sa inyo dahil sinamantala na kayo ng demonyo at ang inyong kaluluwa. Ngunit bilang pastol ng mga kaluluwa, hindi ko hahayaang gawin niya ‘yan. Patuloy na aatakehin ko siya sa lugar na ito.
Binanggit dito sa 1 Juan 4: 4-6
(4) Kayo’y sa Dios, mumunti kong mga anak, at inyong dinaig sila sapagka’t lalong dakila siyang nasa inyo kaysa nasa sanglibutan.
(5) Sila’y sa sanglibutan, kaya’t tungkol sa sanglibutan ang sinasalita nila, at sila’y dinidinig ng sanglibutan.
(6) Tayo nga’y sa Dios, ang nakakakilala sa Dios ay dumirinig sa atin; ang hindi sa Dios ay hindi dumirinig sa atin. Dito’y ating nakikilala ang espiritu ng katotohanan at ang espiritu ng kamalian.
Kaya sinabi Niya sa akin, “Ipadadala kita sa buong mundo. Mayroon akong mga anak. Sila ay makikinig sa iyo dahil nakikilala ng aking mga tupa ang aking tinig.” Kayong mga napapakinggan ako sa TV na tumutuya sa akin, umuusig sa akin, at sinasabing ako ay isang kulto, ang Salitang ito ng Panginoon ay para sa inyo, hindi kayo sa Panginoon. Kayo ay sa espiritu ng kamalian. “ Dito’y ating nakikilala ang espiritu ng katotohanan, at ang espiritu ng kamalian.”
Dalawang bahagi ng Internet: Mabuti at masama
Kapag gumamit kayo ng Internet, makikita ninyo na may isang debisyon sa pagitan ng mabuti at masama. Mayroong debisyon sa pagitan ng liwanag at kadiliman. Mayroong debisyon sa pagitan ng Panginoon at ng demonyo. Huwag pumunta sa teritoryo ng demonyo na nasa Internet. Iyan ay ang espiritu ng kamalian. Gamitin lamang ang Internet para sa kaluwalhatian ng Ama upang ipalaganap ang ebanghelyo ng Kaharian, ng mga Mana ng Kapahayagan ng Hinirang na Anak. Kung hindi, ang Kanyang sakripisyo sa krus ay magiging walang silbi. Makakalimutan ninyo na kayo ay dating mga makasalanan at naroroon kayo upang mamatay dahil sa inyong mga kasalanan ngunit may humalili sa inyong lugar; Kanyang sinabi, “Ako ang hahalili sa kanyang lugar.”
Ayokong mahuhulog sa inyo ang kahatulan ng Panginoon dahil nais ko ng kaligtasan. Narito ako para sa kaligtasan ng inyong kaluluwa, hindi para sa ikasisira at kahatulan ng inyong kaluluwa. Kaya, huwag gumugol ng walo hanggang 10 oras sa harap ng inyong screen. Sa halip, igugol ang walo hanggang 10 oras sa pagninilay sa Kalooban ng Ama. Igugol ang walo hanggang 10 oras sa pakikinig sa mga Mana ng Kapahayagan ng Hinirang na Anak at punuin ang inyong mga puso.
WAKAS