Cherry Light
BILANG bahagi sa 30th anniversary of the Convention On The Right of the Child o CRC ay pormal namang pinasinayaan ng Department of Foreign Affairs ang bagong libro nito para sa mga bata na pinamagatang Ayoko Po Sana o I Am Sorry sa pakikipag tulungan na rin ng Australian Embassy.
Ang naturang kaganapan ay inorganisa ng Child Protection Network (CPN), United Nations Children’s Fund (UNICEF), at The Council for the Welfare of Children (CWC).
Ang Ayoko Po sana na libro ay tumutukoy sa kuwento ng isang batang babae na hindi takot magsalita kung ano ang nasa isip niya at pagkakaroon ng sarili niyang nais, hindi ibig sabihin sa aklat na walang respeto ang bata sa kapwa niya o sa taong nasa paligid niya kundi yung kalayaan niyang magsalita kung ano ang nasa saloobin niya ginawa ang libro upang ipamalas ng CRC na ang mga bata ay may karapatang magpahayag at malayang mag karoon ng kanyang pananaw.
Sinulat ang libro ni Prof. Early Sol Gadong, na isang 2018 Palanca Awards winner at assistant professor ng University of the Philippines sa Visayas, at inilarawan naman ito ni Mr. Borg Sinaban.