DEPUTY Speaker at Surigao Del Sur Rep. Johnny Pimentel
MJ MONDEJAR
ISINUSULONG ni Deputy Speaker at Surigao Del Sur Rep. Johnny Pimentel na magtatag ng tatlong libong bagong posisyon para mabigyan ng bodyguards ang mga judges.
Kasunod ito ng panibagong pagpatay kay Tagudin, Ilocos Sur Regional Trial Court (RTC) Branch 25 Judge Mario Anacleto Bañez.
Giit ni Pimentel, kailangan ng mga huwes ngayon ang matinding proteksyon lalo na at patuloy ang pagtaas ng karahasan laban sa kanila.
Si Bañez ay tinambangan ng hindi kilalang mga suspek kamakailan habang papauwi sakay ng kanyang Hyundai Accent sa Barangay Mameltac, San Fernando City, La Union.
Suportado rin ni Pimentel ang hakbang ni Chief Justice Diosdado Peralta na magtatag ng bagong protective service pattern tulad ng sa Unites States Marshals Services (USMS) Judicial Security Division (JSD).