JHOMEL SANTOS
MAY gagawing pagbabago ang Administrasyong Duterte sa Build, Build, Build Program ng pamahalaan.
Ayon kay Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, plano ng pamahalaan na bawasan ang 75 flagship projects at palitan ang iba nito para mas madaling matapos ang mga proyekto.
Kabilang sa mga ipinangakong proyekto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mas modernong paliparan, pantalan, at mataas na economic growth para sa mahigit isandaan at pitong milyong Filipino.
Ang nasabing pangako ay nagkaroon ng bahagyang pagbabago dahil sa bumaba ang growth target dahil sa pagkaantala ng budget ngayong taon.