INILABAS na ng Time Magazine ang kauna-unahang edition ng kanilang Next 100 list na bahagi ng kanilang inaabangang taunang TIME 100.
Ang naturang listahan ay nagbibigay pagkilala sa mga rising stars at personalities na gumagawa ng sariling pangalan at mayroong malaking epekto sa kani-kanilang industriyang kinabibilangan.
Pasok bilang honorees ng Time Magazine sa entertainment industry ang Pop Superstar na si Camila Cabello, Rapper na Lil Nas X, Awkwafina, Bad Bunny, Beanie Feldstein, Keke Palmer at Aly Raisman.
Gumawa naman ng kasaysayan ang K-pop group na BLACKPINK bilang first Korean Artist na kabilang sa Phenom Category ng TIME 100 Next.
Gayundin ang young Youtube Star na si Emma Chamberlain.
Sa November 14 magsasama-sama sa isang summit ng mga kabilang sa listahan sa New York City.