DUMALO sa kanyang unang flag raising ceremony bilang ika-26 na punong mahistrado ng Korte Suprema si Chief Justice Diosdado Peralta.
Maliban sa mga empleyado ng Korte Suprema, present din sa seremonya para i-welcome ang bagong punong mahistrado ang mga kasalukuyan at mga nagretiro nang mga mahistrado ng SC maging ang may bahay ni Peralta na si Court of Appeals Associate Justice Fernanda Peralta.
Sa kanyang talumpati, inilatag ng bagong chief justice ang kanyang 10 point program sa kanyang dalawa at kalahating taong magiging panunungkulang bilang punong mahistrado.
Una sa prayoridad ni Peralta ang maresolba ang backlog ng mga kaso sa Supreme Court maging ang pagpapatupad o paglikha ng Judicial Integrity Board at ang paglalagay ng 24-7 na helpdesk sa opisina ng chief justice.
Hinimok din nito ang kanyang mga kasamahan sa trabaho na magkaisa at sumunod lamang sa alintuntunin ng mataas na hukuman.
Magsisilbi si Peralta bilang chief justice hanggang Marso 27, 2022.