PNP Chief Pol. General Oscar Albayalde
ADMAR VILANDO
LUSOT na sa kasong administratibo si dating PNP Chief Pol. General Oscar Albayalde.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, wala silang nakikitang basehan para sampahan ng kasong administratibo si Albayalde kaugnay sa paggamit ng impluwesya nito upang hindi ma-dismiss sa pwesto ang labintatlo niyang dating tauhan na sangkot sa pagre-recycle ng iligal na droga.
Sinabi ng kalihim na maaari lamang panagutin si Albayalde sa isyu ng command responsibility ngunit nagbitiw naman na ito sa kanyang pwesto bilang PNP Chief, bago pa man naisumite ng DILG ang findings nito sa Malacañang.
Hinimok ni Año ang mga nag-aakusa kay Albayalde na humanap ng sapat na ebidensya upang suportahan ang kanilang mga alegasyon.
Tiniyak naman ni Año na bukas silang muling imbestigahan ang kaso sakaling magkaroon ng mga bagong ebidensiya.