RETIRED Dallas Mavericks MVP Dirk Nowitzki
LUIS JAMES
ISANG street sa Dallas ang isinunod sa pangalan ni retired Dallas Maverick Dirk Nowitzki.
Ito ay upang bigyang pagkilala ang kanyang naiambag sa Dallas Mavericks team.
Masaya namang tinanggap ng 14-time All Star ang naturang paggawad sa kanya ng city council.
Aprubado ng konseho ng Dallas via ‘Unanimous vote’ ang pagbibigay pangalan sa isang kalye.
Dinaluhan naman ng daan-daang tao ang inagurasyon at ang ‘Official unveiling ng street name’.
Hindi malilimutan ng Dallas nang maiakyat ng German born player ang Dallas Mavericks sa championship at tanghaling NBA champion noong 2011.
Magugunitang si Nowitzki rin ang tinanghal na NBA MVP Finals noong kaparehong taon.