HINDI man nauubusan ng maraming isyu sa showbiz ay patuloy pa din na namamayagpag sa industriya si Janine Gutrierrez.
NI: STEPHANIE MACAYAN
ISA sa mga kilalang artist ng GMA si Janine Gutierrez dahil sa dami na ng naging proyekto niya sa network. Mabilis din siyang nakilala dahil batikang artista ang kaniyang mga magulang.
Mapapanood sa iba’t-ibang palabas at pelikula ng GMA Kapuso si Janine. Nakilala siya sa unang pinagbidahang serye, ang Villa Quintana ang pang-hapong drama na ipinalabas noong 2013, at ang pangunahing gumanap sa Dragon Lady na nagtapos nito lamang Hulyo.
Sinabi noon ni Janine na “wish come true” ang maging bahagi ng soap opera remake ng Villa Quintana dahil hindi lamang ito isang ordinaryong soap opera, ito ay isang award winning na drama series.
Ayon din kay Janine, si Lovi Poe ang isa sa mga iniidolo niya sa industriya.
“Idol ko talaga si Lovi Poe. Isa siyang magaling na artista. Award-winning ang mga performances at hindi lang siya pang-mainstream. Kahit saan mo siya ilagay pasok siya. She’s not just another pretty face. I want to be a credible actress just like Lovi Poe,” aniya sa interbyu sa Raincheck.
Unang lumabas si Janine sa sitcom na Pepito Manaloto noong 2012 at bukod sa pagiging celebrity ay isang matagumpay na commercial model din siya.
2019 Paris Fashion Week
Taon taon ginaganap ang Paris Fashion Week sa France. Ilang mga kilalang personalidad din ang mga nai-imbitahan dito. At isa na si Janine Gutierrez ang dumalo ngayong taon bukod kay Heart Evangelista.
Bago pa man pumunta sa 2019 Paris Fashion Week, nauna nang dumalo si Janine sa 2019 New York Fashion Week kung saan napasama siya sa listahan ng ”Best Street Style.”
Dumalo rin siya sa launch ng L’Oreal Karl Lagerfeld lipstick collection. Nakilala rin niya ang L’Oreal Paris global makeup director at editor ng British Vogue na si Val Garland.
Makikita sa Instagram story ni Janine ang interaksyon nilang dalawa at binigyan pa siya ni Garland ng make up tips.
“Another tip I learned from her today: You can top off your make up with some moisturizer instead of highlighter to look more alive and get that instant ‘live in’ effect,” sabi niya.
“Your look should showcase your beauty, not the products,” dagdag pa niya.
Sa ibinahaging larawan ni Janine, mula sa chic fashionista look, siya ay nagbihis sleek girl boss para sa taunang fashion event.
Kamaganak na artista
Ang mga magulang ni Janine ay walang iba kung ‘di sina LotLot De Leon at Ramon Christopher. Ang lolo’t lola naman ay sina Eddie Gutierrez at Pilita Corales.
Ang pamilya Gutierrez ang pinaka kontrobersyal na pamilya sa showbiz. Hindi naman ito maiiwasan lalo na ang kanilang pamilya ay malaki at kilala.
Ngunit sa kabila ng lahat, hindi maitatanggi na isa ang pamilya nila sa may malaking nai-ambag sa industriya. Dahil nagmula sa kanila ang mga batikan at magagaling na artista na nagbibigay buhay ngayon sa larangan ng entertainment.
Kumusta naman kaya ang pagiging lola ni Pilita kay Janine?
“Si mamita, my Lola. Happy ako kasi she’s always very very supportive sa lahat ng ginagawa ko and binigyan pa niya ako ng ano, red shoes na mataas. Pang dragon lady agad,” pabiro nitong sinabi sa interbyu.
Alam din ng marami na hiwalay na ang ina ni Janine na si Lotlot at ama niyang si Ramon Christopher. Ikinasal ang ina niya noong 2018 sa isang Lebanese businessman na si Fadi El Soury. Ano naman kaya ang saloobin ni Janine dito?
“Kinasal si Mama and medyo surreal experience siya kasi hindi ko inakala na mangyayari ‘yon sa buhay namin. Pero nakita ko nung araw na ‘yon kung gaano siya kasaya and ‘yung buong family niya, mga pinsan, ‘yung lolo ko, everyone pati ‘yung great grandmother ko nagpunta on her wedding day, so talagang nakita ko na it really was one of the happiest moments of her life,” aniya.
Masaya si Janine na nandoon at nasaksihan niya ang hindi makakalimutan at masayang araw ng kaniyang ina.
Samantala, ang ama naman ni Janine na si Ramon Christopher ay kamakailan lamang nagdiwang ng kaarawan. Sa kanyang Instagram account ibinahagi niya ang ginawa ng ama sa kanilang magkakapatid noong bata pa sila.
“I brought him with me to the Ateneo parents’ orientation and he wore a bonnet as a sign of protest because he’s a Lasallista. He drove to my taping in Bulacan once because my keys got stuck inside the car (not my fault, I swear!) He will drive anywhere we (his kids) are. No matter what time, or where he’s coming from. And he will come bearing McDo fries. He drives me to mall shows even in Baguio!” sabi ni Janine.
”He taught us to love the Lakers, cars and F1, music, and he taught us that family is everything,” dagdag niya.
”I was obsessed with Herbie so he bought me a rusty VW beetle for 10K and built it up to run again. That was my first car. He always picks up the phone. And the first thing he says before ‘hello’ is ‘love you.’ Happy birthday papa! We are so lucky to have you and Mama. Love you so much.” dagdag pa niya.