Cherry light
ISANG kawani ng commercial restaurant sa Ninoy Aquino International Airport Terminal -1 ang nagpakita ng katapatan matapos isauli nitong ang $4,700 dollors na natagpuang naiwan sa loob mismo ng kanilang kainan ayon kay Emiline Herrera isang food server sa isang restaurant napansin niya ang isang envelope na naiwan sa cashier station nitong linggo kung saan inaakala niyang itoy isang basura lamang, ngunit nang pinulot niya at nakita nya sa loob ay naglalaman pala ito ng nasabing halaga.
Hinangaan naman ni MIAA General Manager Ed Monreal ang naturang empleyado at nakatakda itong parangalan ng MIAA sa flag raising ceremony.
Ang mga naturang halaga ay naisauli ni Herrera sa lost and found section ng IID sa NAIA terminal-1.
HHHindi pa man matukoy ang tunay na nagmamay ari ngunit hinihinalaang isang pasaherong babae ang may ari ng pera na nakaalis na rin.