NLEX star Kiefer Ravena
LUIS JAMES
OPISYAL nang maglalaro para sa Philippine Basketball National Team sa nalalapit na sea games ang NLEX star na si Kiefer Ravena.
Ito ay matapos isumite ng samahang basketbol ng Pilipinas sa Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) ang pangalan ni Ravena na bubuo sa 12-man training pool ng Gilas Pilipinas kamakailan.
Papalitan ni Ravena ang veteran guard na si Jayson Castro na hindi na makakalahok pa dahil sa iniinda nitong muscle strain.