TGP Partylist. Rep. Bong Teves
NANANAWAGAN si TGP Partylist. Rep. Bong Teves sa administrasyon na higpitan ang pagpatutupad ng RA 9002 o ang Ecological Solid Waste Management Act na naging batas 18 taon na ang nakararaan.
Ani Teves, ang striktong implementasyon ng batas ang dapat tutukan ng pamahalaan para maparusahan ang mga nagtatapon ng basura ng walang pakundangan.
Punto pa ng mambabatas, lumalabas na sa information dissemination lamang nakatutok ang pamahalaan at hindi sa implementasyon ng mga batas lalo na kung ito ay may kinalaman sa environmental protection.
Suportado naman ng kongresista ang panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na patawan ng ban ang paggamit ng single use plastics sa bansa.
Ani Teves, ang plastic pollution ang ikalawa sa problemang kinakaharap ngayon ng Pilipinas pangalawa sa traffic problem na dapat aniyang maaksyunan ng gobyerno sa lalong madaling panahon.