SA kanyang instagram post, masayang ibinahagi ng proud daddy na si Robin ang larawan ni Mariel habang nasa labor.
Ipinanganak nito si baby Maria Gabriela de Padilla via natural birth sa Amerika.
Thankful naman si Robin sa ligtas at maayos na panganganak ni Mariel.
Noong Mayo nang inanunsyo ng dalawa ang muling pagbubuntis ng TV host makalipas ang tatlong taon matapos isilang ang panganay nila na si Isabella Padilla.