ANG maayos na massage ng isang propesyonal na therapist ang dapat hanapin upang marelax at mapabuti ang katawan.
NI: MARILETH ANTIOLA
ISA sa pinakamainam na pang-alis ng stress sa katawan at pamparelax pagkatapos ng ilang araw ng pagkakasubsob sa trabaho o pag-aaral ang pagpapamasahe. Kaya naman nakasanayan na ng marmi ang pumunta sa spa kapag walang pasok sa school o rest day sa trabaho. Bonding time na rin ito ng magkakaibigan.
Marami ng spa at massage center sa mga mall o sa mga mataong lugar kung saan may mga massage and therapeutic center. Mayroon ding mga spa na kasama sa isang lugar ng aesthetic center.
Mabuti ito para sa consumer dahil sa ngayon affordable na ang pagpapamasahe. Mayroon ding iba’t-ibang package na available ayon sa anumang budget. Higit sa lahat, ang mga massage spa ay nasa malinis at disenteng lugar.
Bukod sa affordable services ng mga spa, may mga ino-offer rin na mga freebies para mahikayat bumalik at maging regular na suki ang kanilang customers. May mga nagho-home service na rin na massage professionals na dala ang kanilang mga gamit. Tatawagan mo lamang sila sa kanilang cell number at hindi ka na kailangan pang umalis ng bahay kung ayaw mong makadagdag pa sa trapik sa labas.
Popular na rin ang mga massage spa at therapists na Pinoy sa mga turista. Dinarayo nila ang mga sentro ng massage clinic sa Metro Manila, halimbawa na lamang yung mga nasa Manila Bay area.
Narito ng ilan sa mga benepisyong makukuha natin sa pagpapamasahe:
- Pag imrove ng sirkulasyon ng dugo. Ang pagpapamasahe ay nakakatulong na maging maayos ang daloy ng dugo sa buong katawan at nakakabuti rin para sa paghatid ng supply ng mga nutrients sa katawan. Nagiging makinis at malambot rin ang balat matapos ang massage therapy dahil narerelax nito ang muscles at tinatanggal ang lamig na naipon sa katawan.
- Nag po-promote ng flexibility. Ang madalas na pagpapamasahe ay nagbibigay ng flexibility sa katawan dahil sa tulong din ng regular na massage therapy, maiiwasan ang tyansa ng injury. Ang pangangalay o sakit ng mga kasukasuan sanhi ng rayuma ay na re-relieve din ng masahe.
- Nakakaalis ng bloatedness ng katawan. Ang pagpapamasahe ay nakakatulong sa pagtanggal ng bloatedness sa katawan at sa pagtunaw ng mga taba sa katawan kaya’t kasama ng pagkain ng balanseng diet, makakatulong ito sa pagbawas ng timbang at mabisa rin sa pagtanggal ng mga cellulite.
- Epektibo pantanggal ng stress. Ang pagpapamasahe ay isang epektibong paraan upang mawala ang stress at pinapagaan ang ating pakiramdam. Ginigising nito ang mga natutulog na taba sa katawan, inaalis ang lamig at hanging naipon sa likod at pagkatapos ng isang sesyon ng maayos at professional massage, tanggal ang mga nararamdamang sakit at handa nanaman humarap sa isa pang araw.
Isang paalala lamang, maraming pamamaraan o uri ang massage, pero bago ang lahat, komunsulta muna sa doctor, espesyalista at mga therapist kung ano ang mga nararapat at nababagay sa iyo.