ADMAR VILANDO
Kabilang dito ang isang bell 429 helicopter, 2 airbus h125 helicopter, 2 r44 training helicopter, 21 eod patrol vehicles at 34 na utility truck para sa mga regional mobile force battalion.
Binubuo naman ang mga bagong armas ng 2,001 taurus 9mm, 6,353 tisas 9mm, 10,000 canik 9mm pistol, 21,952 galil 5.56 assault rifle, 1,677 k2c1 assault rifle, 205 k3 light sub machine gun, at 8 negev 5.56 light machine gun at 141 negev 7.62 machine gun.
Kasama rin sa mga bagong gamit ang 51 drones at 7, 924 na combat enhanced helmets.
Ayon kay PNP Officer-In-Charge Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa, naging metikuloso ang bidding process kung saan naibaba nila ang presyo ng ilang gamit tulad ng Galil assault rifles na kanilang nakuha ng mahigit P40, 000 mula sa orihinal na presyo na mahigit P60, 000.