CHERRY LIGHT
NANAWAGAN ang Department of Agriculture (DA) sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na uuwi ng Pilipinas para sa holiday season na huwag nang magdala pa ng mga meat products mula sa mga bansang apektado ng African Swine Fever.
Sinabi ni DA Spokesperon Assistant Secretary Noel Reyes na kanilang kukumpiskahin ang mga meat products lalo na kung galing sa Hong Kong at China.
Ayon sa DA, isa ang China sa 24 na bansang apektado ngayon ng ASF.
Pinayuhan naman ng DA ang mga OFWs na magmumula sa mga bansang hindi apektado ng ASF, na dapat ay may certification na magpapatunay na ang meat products na kanilang dala ay hindi apektado ng ASF.