POL MONTIBON
TUTUTUKAN ng Department of Health (DOH) ang pagkalat ng mga sakit sa mga evacuation centers sa Mindanao.
Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, dapat maiwasan ang pagkakasakit sa mga evacuation centers sa Mindanao.
Pinapaalalahanan naman nito ang mga evacuees na panatilihin ang proper hygiene sa mga evacuation centers.
Mahalaga rin aniya ang pagkakaroon ng malinis na tubig na iinumin at gagamitin sa pagluluto.
Titiyakin naman ng kagawaran na mabibigyan ng sapat na atensyong medikal ang mga naapektuhan ng lindol.
Ani Domingo regular din ang magiging pagbisita ng mga medical teams sa mga evacuation center para mabantayan at magamot ang mga may sakit.