JHOMEL SANTOS
TINIYAK ni bagong Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na tututukan niya na maresolba ang daan-daang libong kaso na nakasampa sa mga hukuman.
Sinabi ni Peralta na araw-araw ay patuloy na nadaragdagan ang mga nakabimbing kaso.
Batay sa datos ng Korte Suprema noong 2018, nasa 8,852 ang nakabimbing kaso sa Kataas-taasang Hukuman; 19,732 sa Court of Appeals; 5,237 sa Sandiganbayan; 1,353 sa Court of Tax Appeals; 546,182 sa Regional Trial Courts; at 160,153 na kaso sa mga first level courts.
Ayon kay Peralta, prayoridad niya ngayon na ma-eliminate ang napakalaking bilang ng mga natutulog na kaso.