POL MONTIBON
HINDI pa rin titigil ang Philippine Association of Meat Processor Incorporated (PAMPI) sa pag-produce ng mga meat product sa kabila ng pagpopositibo sa African Swine Fever (ASF) ng ilang meat products.
Sa panayam ng SMNI News kay PAMPI Spokesperson Rex Agarrado, sisiguraduhin nilang ligtas sa ASF ang pagkukunan ng karne ng kanilang mga produkto.
Iginiit din nito na wala ding dapat ikatakot ang mga tao kung nakakain ng produktong may ASF.
Sinabi pa nito na naapektuhan din ang kanilang ibang produkto na hindi naman gawa sa karne ng baboy tulad ng kanilang mga beef products.
Siniguro din ni Agarrado na karamihan sa kanilang mga supplier ay imported at ASF free.
Samantala, hindi muna nila papangalanan ang mga meat products na nagpositibo hangga’t hindi pa tapos ang ginawang test.
Ngayong linggo, inaasahang ilalabas ng Department of Agriculture ang resulta sa isinagawa nilang pagsusuri sa mga processed meat product na una ng iniulat na kontaminado ng ASF.