HANNAH JANE SANCHO
SA kabila ng iniindang pananakit ng gulugod, tuloy pa rin ang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN Summit sa Thailand.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos sumailalim sa MIR examination ang pangulo dahil sa pananakit ng kaniyang spinal column.
Sinabi ni Panelo na ang pababago lamang ay ang pagbawas ng aktibidad sa nasabing ASEAN Summit.
Gaganapin ang 35th Association of Southeast Asian Nation Summit mula Nobyembre a-2 hanggang a-4 sa Bangkok, Thailand.