LABOR Secretary Silvestre Bello III
HANNAH JANE SANCHO
KUMPIYANSA si Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi papasa sa kongreso ang panukalang dalawang taong probationary period sa mga manggagawa sa bansa.
Ito ang pahayag ni Bello matapos sabihin daw sa kaniya ni Pangulong Duterte ang planong pag-veto sa panukalang batas sakaling pumasa ito sa kongreso.
Iginiit ni Bello na sapat na ang pinagdaanan ng mga manggagawa na pumasa sa written exam at personal interview para malaman kung karapat-dapat silang maging permanente sa trabaho sa loob ng anim na buwang probationary period.
Aniya, kawawa ang mga manggagawa kung maghihintay sila ng dalawang taon bago maging permanente sa kanilang trabaho.
Binigyang diin pa ni Bello na mahalaga ang security of tenure sa isang manggagawa.