LUIS JAMES
NAGPAKITA ng buong suporta ang Philippine Sports Commission sa gaganaping Luzon Cup.
Ang Luzon Cup ay isang football tournament para sa mga batang lalaki na nasa 12-under category.
Magsisimula ang naturang sport event sa darating na Nobyembre a-bente uno hanggang a-bente kwatro sa Jose V. Yap Sports at Recreational Park sa San Jose, Tarlac.
Tinatayang nasa labing-anim team mula sa iba’t-ibang Football Associations at Football Club sa Luzon ang lalahok sa naturang event.
Ang four-day event na ito ay inorganisa ng Negros Occidental Football Association at ng Central Luzon Football Association sa pakikipagtulungan ng Tarlac Provincial at City Governments at Department of Education.