JHOMEL SANTOS
KINUMPIRMA ng Western Mindanao Command (WestMinCom) na tuluyan nang nakubkob ng militar ang pinakamalaking kuta ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa bayan ng Palimbang, Sultan Kudarat.
Ayon kay WestMinCom Spokesperson Major Arvin Encinas, nakubkob ng 601st infantry brigade ng Philippine Army ang kuta ng Regional Party Committee Daguma ng CPP-NPA sa Sitio Kuden, Barangay Batang Bagras sa naturang bayan matapos ang isinagawang airtstrike sa lugar.
Sinabi ni Encina na nilusob ng miltar ang lugar matapos na makatanggap ng report mula sa mga sibilyan na may presensya ng NPA sa lugar.
Sa isinagawang raid, tumambad sa militar ang mahigit isandaang miyembro ng NPA na nagpupulong sa paaralan at training facilities ng komunistang grupo na ginagamit upang sanayin ang bagong miyembro sa paggawa ng improvised explosive device (IED).
Sa ngayon, nagpapatuloy ang clearing operations ng militar laban sa NPA sa Kalamansig, Lebak at Palimbang sa Sultan Kudarat.