ADMAR VILANDO
TUMUTULONG ang Philippine National Police sa Department of Trade Industry at Local Government Units sa pagpapatupad ng price freeze sa mga lugar sa Mindanao na tinamaan ng lindol.
Ayon kay PNP Officer-in-charge Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa, kasama ng DTI at LGUs ang mga operatiba ng CIDG sa pag-iikot upang matiyak na nananatiling normal ang presyo ng mga bilihin.
Kabilang dito ang de-latang sardinas, gatas, bottled water, instant noodles, kape, detergent, tinapay, asin, bigas, mais, mantika, gasolina, baboy, baka at iba pang poultry meat.
Nagdeploy din ng mahigit 2,700 pulis para tumulong sa search and rescue operations at pagbabantay sa mga evacuation centers.