HUWAG ipagwalang bahala ang ating mga mata bagkus alagaan ito upang anumang problema sa mata ay maiwasan.
NI: CHAMPAIGNE LOPEZ
HINDI dapat ipagwalang bahala ang problema sa mata dahil isa ang mata sa sensitibong parte ng ating mukha at ang labis na pag-aabuso nito ay magdudulot ng komplikasyon.
EYESTRAIN. Ito ay ang paglabo ng paningin, pananakit at fatigue na karaniwang nakukuha sa labis na pagtutok sa mga gadget tulad ng kompyuter, cellphone at iba pa. Nakukuha rin ito sa matagal na pagmamaneho at kapag ito ay lumala pa ay maaring ikabulag.
RED EYES. Ang pamumula ng mata ay kalimitang nakukuha sa pagpupuyat o pag-atake ng allergies. Makakaramdam ng labis na pangangati at iritable dahil dito. Maari rin itong makuha sa pagbababad sa araw.
COLOR BLINDNESS. Ang pagkakaroon ng color blindness ay maaaring genetic o namamana. Ang taong mayroon nito ay nahihirapan matukoy ang kulay o hindi makita ang pagkakaiba-iba ng mga kulay. Madalas ay nagmumula ito sa pagkabata at maari lang masolusyunan sa pamamagitan ng operasyon.
Ang pag-aabuso sa mata ay hindi maganda sa kalusugan. Subukang magkaroon ng sapat na tulog upang ang mata ay maipahinga, dahil kung parati itong aabusuhin ay maari itong ikabulag. Tandaan na ang pahinga ay hindi reward, ang pahinga ay kailangan ng isang tao. Huwag abusuhin ang sarili at pahalagahan ang kalusugan.