HANNAH JANE SANCHO
NAKATAKDANG magpadala ng pormal na liham si Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo na idadaan niya kay Executive Sec. Salvador Panelo.
Ayon kay Pang. Duterte bibigyan niya ng kapangyarihan si VP Robredo na pamunuan ang bansa sa loob ng anim na buwan.
Dito aniya masusukat kung makakaya ng bise presidente na pamunuan sa bansa.
Ito ay kasunod sa pahayag ni VP Robredo kaugnay sa dapat itigil na ng administrasyon ang war on drugs nito dahil wala naman aniya itong naging resulta.