YNA MORTEL
NASUNGKIT ni Roger Federer ang kampeonto sa Swiss Indoors Championships.
Ito ay matapos pataubin sa kanilang paghaharap si Alex de Minaur ng Australia sa score na 6-2, 6-2.
Sa ngayon ay mayroon ng kabuuang isandaan at tatlong singles title ang 38-anyos Swiss tennis star.
Matapos tanggapin ang kaniyang tropeo, sinabi ni Federer na naging mabilis lamang ang kaniyang laban ngayon.