TULOY-TULOY ang ginagawang paghahanda para sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa ngayong buwan.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Officer-in-charge Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa na 20,000 personnel mula sa iba’t ibang government agencies ang titiyak sa seguridad ng 10,000 atleta mula sa 56 sporting events.
Tutukan din ng PNP ang seguridad ng iba’t ibang venues gayundin ang public safety assistance, crowd control, vehicular and pedestrian traffic direction at route parking.
Ayon kay Gamboa, noong isang taon pa sila naghahanda upang matiyak na magiging maayos ang aktibidad at magkaroon ng full back-up system sa anumang hindi inaasahang pangyayari.
Ang SEA Games ay lalahukan ng labing isang bansa sa Southeast Asia na kinabibilangan ng Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Thailand, Timor Leste, Singapore, Vietnam at Pilipinas na host country.