TENNIS star na si Rafael Nadal
YNA MORTEL
MULING nanguna ang Tennis star na si Rafael Nadal sa ATP rankings.
Ito ay pagkaraang mabawi ng Spaniard player ang trono kay Novak Djokovic.
Noong nakaraang Nobyembre taong 2018 nang makuha kay Nadal ang top spot.
Batay sa record standing ng dalawang Tennis star, napanatili ni Nadal ang top rank sa loob ng 197 weeks habang nahawakan ni Djokovic ang korona sa loob ng 310 weeks.
Sa ngayon ay may 51-6 record standing na si Rafael Nadal at nakapagpanalo ng apat na titulo ngayong season kabilang ang French open at US open.