MARGOT GONZALES
NAKATAKDANG mag-isyu ng desisyon ang Toll Regulatory Board (TRB) sa susunod na buwan kung magkakaroon ng toll discount para sa mga motoristang apektado ng matinding traffic sa Northbound Lanes ng South Luzon Express way (SLEX) sa Metro Manila.
Ayon sa TRB private sector representative na si Raymundo Junia, pinag-aaralan na ng technical working group ng ahensya kung posibleng magkaroon ng diskwento sa toll fees na sinisingil ng Slex at Skyway Operator na San Miguel Corp (SMC).
Ani Junia, pagsubok para sa TRB na malaman ang totoong economic cost sa mga motorista na naiipit sa matinding traffic sa SLEX dahil sa P10 billion skyway extension project.
Magkakaroon ng desisyon sa unang linggo ng Nobyembre at kung sakaling papaboran ito ng mga miyembro ng board ay agad na iiimplementa ang diskwento sa Disyembre.
Siniguro naman ni Junio na malaki ang tyansa na papaboran ito ng mga miyembro ng board ng TRB.