WORLD No. 1 tennis player Ashleigh Barty
JAMES LUIS
NALAGLAG si world number 1 tennis player na si Ashleigh Barty sa naging match nito sa WTA Finals kontra sa substitute na si Kiki Bertens.
Pinadapa ng late alternate player si Barty sa score na 3-6, 6-3, 6-4.
Si Bertens ang pumalit kay Naomi Osaka matapos nitong mag-withdraw noong nakaraang linggo dahil sa iniinda nitong shoulder injury.
Matatandaang nagtunggali rin ang dalawang player sa Beijing semi-finals nitong buwan ng Oktubre.