KUNG magagawi ka sa Davao City sa susunod na mga paglalakbay, hindi dapat kaligtaang bisitahin ang natatanging Kingdome, ang pinakamalaking indoor arena sa buong mundo na matatagpuan sa tabi ng Phil-Japan Friendship Highway sa naturang lunsod, ang Kingdome ay mula sa kaisipan ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang kilalang international evangelist, philanthropist, environmentalist, at visionary.
Pitongpu’t libo katao ang makakaupo sa loob ng naturang gusali na ayon sa pastor ang pangunahing pakay ay bahay-sambahan o katedral, ng kanyang organisasyon, ang Kingdom of Jesus Christ, na sinasabing may 10 milyong mga miyembro sa buong mundo.
“Kung nagtipun-tipon kami para sa malalaking mga selebrasyon dito sa Kingdom Nation, hindi na kami kasya sa loob sa aming worship venue,” ayon kay Pastor Quiboloy. “So we need a place that can accommodate those who will be coming from all over the world.”
ICONIC STRUCTURE
Tatlong palapag ang Kingdome sa ibabaw ng lupa at may dalawang palapag sa ilalim at may kabuuang sukat na apat na ektarya.
Batay sa artist’s perspective ng gusali, tila korona ang hugis ng naturang indoor cathedral. Nababalot ito ng natatanging disenyo ng salamin na binubuo ng libu-libong hugis-diyamanteng nagniningning ang mga kulay na ang epekto ay tila mga batong-hiyas sa korona ng hari.
“It is an iconic structure that will eventually create memories and a sense of history for people from around the world,” pahayag pa ni Arch. Manuel de Luna, ang principal architect ng Kingdome.
“The WOW-effect of the image of the king’s crown will attract people, thereby, placing the Kingdome in their memories, conversations and photo galleries like the iconic structures found in Paris, Sydney and other parts of the world,” dagdag pa nito.
Sa buong paligid ng Kingdome ay nakatayo naman ang pitong malalaking state-of-the-art LED screen na ang laki ay mula ground floor hanggang rooftop.
May malawak na plaza sa harapan ng gusali na may dancing fountain na maaaring ilaban sa pinakamagagara sa buong mundo.
Sa loob naman ay malapalasyo ang gayak, higit pa sa five-star hotel, at walang katulad na makikita sa buong Pilipinas. Fully carpeted ang loob ng Kingdome, may mga chandelier na masisilayan sa bawat paglingon, madetalyeng palamuti sa mga dingding at kisame, at eleganteng mga sala sa bawat sulok.
Ayon din sa plano, bukod sa main event hall, magkakaroon pa ang Kingdome ng malalaking convention hall na maaaring pagganapan ng mga banquet para sa 5,000 katao, lima pang mga function room na makauupo ng humigit-kumulang na 1,000 bawat isa, at dalawang mini theater na ganoon din ang seating capacity.
May VIP lounge, lobby, coffee shop at VIP restaurant din ang Kingdome at foodcourt kung saan mahigit 1,000 ang makauupo nang sabay-sabay.
ANG HYDRAULIC STAGE
Sa teknolohiya naman, hindi rin pahuhuli ang gusaling ito. “It”s a unique multi-use structure,” wika pa ni De Luna. “There are no other structures in the world that combine worship, theater and sports into one single large capacity venue combined with state-of-the-art facilities and technologies.”
Ayon pa kay Dixter Manaday ng engineering department ng Kingdom of Jesus Christ, ang teknolohiyang gagamitin sa Kingdome ay mula pa sa iba’t ibang bahagi ng mundo – mula sa Amerika, Europa at China.
“Ang lahat ng audio system, sound amplification technology, visual effects mula sa iba’t ibang klase ng ilaw ay naaayon sa functional at artistic requirement ng large-scale concerts, performing arts and sports events,” dagdag pa nito.
Nangunguna rin ang stage machinery ng Kingdome dahil ito ang kauna-unahang katedral sa buong mundo na may hydraulic stage. Binubuo ito ng mahigit 200 individual elevator pieces na maaaring umakyat o bumaba ayon sa pangangailangan at disenyo ng worship at performance.
“Most of all, every part of the Kingdome meets the standards of sustainability, energy conservation and environmental protection,” dagdag niya.
PAGSULONG NG TURISMO
Inaasahang hindi lamang mga miyembro ng Kingdom Nation ang makikinabang sa Kingdome. Sa katunayan, legasiya ito ni Pastor Apollo Quiboloy para sa Davao City at maging para sa Mindanao at buong Pilipinas.
“It is a permanent structure that will be shown to the whole world, a permanent legacy of the Kingdom Nation to the Philippines,” wika ni Pastor Apollo.
Ayon din sa butihing pastor, and Kingdome ay magiging atraksyon para sa mga tao na tumutungo sa Davao City dahil bubuksan ito para sa iba’t ibang kaganapan, mga conference, meeting, trade show, exhibit at sports, hindi lamang para sa mga kumpanya sa Pilipinas ngunit maging sa buong mundo, lalo na sa mga karatig-bansa katulad ng Indonesia, Malaysia, Brunei, at Thailand.
“We expect a positive impact on tourism for Davao City once the Kingdome is completed because the more facilities we have here in Davao that can hold such gatherings, then the more attractive the city is for large groups to come,” pahayag ni dating DOT Regional Director Robert Alabado.
Inaasahan na rin ng lunsod ang pagdami ng mga establisamiyento katulad ng mga hotel, restaurant, tindahan, transportasyon, at iba pang serbisyong nangangalaga sa mga bisita at turista.
“The more tourist arrivals that we have, the more spending that in the city. We are looking at tens of thousands of heads of people from all over to come for a single sport event, so yung spending power nila would be benefit everyone in the region and the city will be much stronger,” ani Alabado.
Marami na rin ang nagpahayag ng interes na maganda ang naturang lugar para sa mga lokal at maging sa internasyonal na kaganapan.
Itinalaga na rin bilang Tourism Enterprise Zone (TEZ) ang buong compound ng Kingdome kung saan itatayo ni Pastor Quiboloy ang kabuuang Kingdom Global City, ang five-star King’s Palace Hotel, ang Queen’s Palace Hotel, isang Aviation Complex, isang mall at isang amusement park.
Kaya naman inaasahang libu-libong trabaho ang malilikha para sa mga taga-Davao dahil sa konstruksiyon at operasyon ng Kingdom Global City.