ADMAR VILANDO
PATULOY pa ring nakakakita ang tropa ng pamahalaan ng mga Improvised Explosive Devices o IEDS na pinaniniwalaang papasabugin ng Islamic state na konektado sa grupong ISIS sa Siongco, Maguindanao.
Nito lamang nakaraang linggo, mas pina-igting pa ng Army’s 6th Infantry Division ang kanilang operasyon laban sa IS-inspired Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Dawlah Islamiyah Terror Group.
Kamakailan nang madiskubre at i-disarma ng tropa ng pamahalaan ang IED sa Barangay Lower Tambinan 2, Guindulungan, Maguindanao.
Ayon kay Major General Diosdado Carreon, Army’s 6th Infantry Dicision Commander at Joint Task Force Central Chief, nakabalot ang explosive devise sa isang dilaw na sako at nakalagay sa isang sirang kahon nang makita ng isang indibidwal na siyang nag-alarma sa kanilang tropa.