TROY GOMEZ
PINAALALAHANAN ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang Senado ng Amerika na hindi na sakop ng kanilang bansa ang Pilipinas.
Ginawa ito ni Sotto matapos aprubahan ng isang US senate panel ang isang resolusyon na nananawagan sa gobyerno ng Pilipinas na palayain na si Sen. Leila De Lima.
Sinabi ni Sotto na mayroong sariling judicial process ang Pilipinas at hindi dapat pinakikialaman ng ibang bansa.
Ayon naman ni Sen. Imee Marcos, garapal na ang ginagawa ng Amerika at hindi na nito dapat ituring na “little brown brother” ang Pilipinas.
Iginiit ni Marcos na dapat magpakita ng kahit konting respeto ang Amerika sa Pilipinas.