SENADOR Leila De Lima
TROY GOMEZ
IDINIIN ng dating opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) si Senador Leila De Lima sa kaso ng iligal na droga.
Sa isinagawang pagdinig sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 205, ibinunyag ni dating NBI Deputy Director Atty. Reynaldo Esmeralda na tumanggap ng milyun-milyong piso si De Lima noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice.
Sinabi ni Esmeralda na siya ang personal na nag-deliver ng pera kay De Lima bilang kabayaran mula sa mga convicted drug lords na nakakulong sa New Bilibid Prison.
Ayon pa kay Esmeralda, bukod sa kaniya ay may isa pang opisyal ng NBI na si Jun Ablen ang nagdadala ng malalaking halaga ng pera kay De Lima.
Kasabay nito, iprenisinta rin ni Esmeralda ang kopya ng mga e-mail na nagpapatunay na natanggap na ni De Lima ang mga drug moneys.
Pinatunayan din ni Esmeralda kung gaano kalapit si Ronnie Dayan kay De Lima kung saan nakakapagrekomenda pa ito ng mga itatalagang matataas na posisyon sa DOJ, Bureau of Corrections at NBI.