TROY GOMEZ
NAGTALAGA ng dalawang bagong mahistrado ng Korte Suprema si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay sina Court of Appeals Visayas Executive Justice Edgardo Delos Santos at CA Justice Mario Lopez.
Papalitan ni Delos Santos si retired Senior Associate Justice Antonio Carpio habang si Lopez ang papalit kay Associate Justice Francis Jardeleza.
Si Delos Santos ay isang CA justice na nakabase sa Cebu at nagtapos sa kanyang law degree sa University of San Carlos sa kaparehong probinsya.
Nagsilbi rin ito bilang Trial Court Judge sa Dumaguete at Bacolod bago siya naitalaga sa Appeals Court.
Habang nag-graduate naman si Lopez bilang cum laude sa San Beda College of Law at kumuha ng kanyang Masters of Law sa University of Santo Tomas.
Bago ang kanyang CA stint, nagsilbi si Lopez bilang Ombudsman Prosecutor noong 1985 at naging hukom sa Batangas noong 1997.