COMELEC Spokesperson James Jimenez
YNA MORTEL
MULING bubuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang voter registration para sa may 2022 presidential elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, posibleng sa January 2020 ay ipagpapatuloy ang registration ng mga bagong botante.
Sinabi ni Jimenez na sa ngayon ay wala pang target na bilang ang Comelec gayunman umaasa ito na malampasan ang huling bilang na higit tatlong milyong nagparehistro.
Dagdag pa ni Jimenez, nakatutok ngayon ang ahensya sa paghahanda sa 2022 presidential polls matapos na maudlot ang barangay at sangguniang kabataan elections sa may 2020.
Magugunitang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11462 na nagpapaliban sa baranggay at SK elections.