NI: PASTOR APOLLO C. QUIBOLOY
HUWAG munang hanapin ang pera, huwag munang hanapin ang pita ng laman, huwag munang hanapin ang sanlibutan, huwag hanapin ang mga pisikal na dimensyon na nakikita sa inyong mga mata, huwag iyan ang hanapin.
Hanapin muna ninyo ang Kaharian ng Diyos, at ang Kanyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo.
Huwag maging kagaya ng mayamang mangmang. “Napakarami mong mga produkto, napakatagumpay mo, napakarami mong pera, napakarami mong bahay, ikaw ay bilyonaryo. Uminom, kumain at magdiwang.”
Mahirap at mayaman ay mamamatay
Hindi ninyo nalalaman kung kailan kayo mamamatay, maging kayo man ay mayaman o mahirap, kayo ay mamamatay at sino ang magmamay-ari ng lahat na iyong naiipon para sa iyong sarili kung kayo ay tutungo na sa katapusang destinasyon?
Lahat ba kayo ay may birth certificate? Alam ninyo kung kailan kayo isinilang dahil ‘yan ang inihahayag sa inyo ng inyong birth certificate kung kailan kayo isinilang.
Ilan sa inyo ang mayroong death certificate? Walang nakakaalam. Kung mayroon kayong death certificate, kayo na ang pinakamalungkot na tao sa mundo. Nang ikaw ay magkasakit, pumunta ka sa doktor at sinabi ng doktor sa iyo, “Mayroon ka nalang tatlong buwan na mabuhay dahil mayroon kang kanser at ito ay kumalat na at umapekto sa lahat ng parte ng iyong katawan.”
At kayo ay umuwi sa inyong bahay, at ang mga natitirang tatlong buwan ng iyong buhay ay napakalungkot sa lahat dahil alam ninyo na kayo ay mamamatay.
Ngunit wala sinumang nakakaalam kung kailan sila mamamatay lalo na sa mga buhay na narito ngayon. Kapag kumakatok na ang kamatayan sa inyong pintuan at magsasabi, “Panahon na. Game over na.”
Hindi niyo masasabi kay Ginoong Kamatayan, “Hindi, hindi, hindi. Napakabata ko pa. Marami pa akong mga ambisyon sa buhay, nais ko pang maging milyonaryo. Nais ko pang maging ganito at maging ganyan. Nais ko pang magkaroon ng sariling pamilya at mga bagay na kagaya niyan.”
Hindi ninyo ‘yan mapag-usapan at hindi kayo makakapagtalo sa kamatayan kapag ito’y kumatok na sa inyong pintuan.
Kapag kayo ay pumunta sa sementeryo, ang mga tao sa lahat ng mga edad ay inililibing doon. Ang mga bata, mga nasa kalagitnaang taon, mga matatanda, at pinakamatanda ay naroroon lahat dahil walang tiyak na panahon kung kailan kumatok ang kamatayan sa inyong pintuan. Walang garantiya na sa pag-uwi niyo sa inyong bahay ay makasisiguro kayong makagising kayo kinabukasan.
Maraming tao ang nag-aakala na mabubuhay sila sa susunod na araw hanggang sa kanilang pagtulog sa gabing iyon at hindi na gumising pa sa umaga. Ang tanging paraan lamang na malalaman ng tao na kayo ay patay na kapag kumatok sila sa inyong pintuan at walang sumasagot o kapag binuksan ng kaibigan niyo ang inyong pintuan at matatagpuang kayo ay patay na. May kakilala kayong taong malusog sa pangangatawan at pagkatapos isang araw ay malalaman niyo na lang na siya ay patay na. Hindi ‘yan inaasahan ng sinuman. Ngunit anumang araw, anumang pagkakataon o anumang segundo, kayo ay gigising sa dalawang realidad na ito – langit o impyerno.
Ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa kamatayan
Ano man ang sinabi natin ay hindi personal na opinyon. Ang mga obserbasyon na ito ay mayroong basehan sa Bibliya. Ang mga bagay patungkol sa kamatayan ay matatagpuan sa Bibliya. Basahin natin ang Lucas 16: 19-31.
19 Mayroon ngang isang taong mayaman, at siya’y nagdamit ng kulay ube at maselang lino, at sa araw-araw ay kumakain ng sagana:
20 At isang pulubi na ang pangala’y Lazaro, lipos ng mga sugat, ay inilalagay sa kaniyang pintuan,
21 At naghahangad na mapakain ng mga mumo na nangahuhulog mula sa dulang ng mayaman; oo, at lumapit pati ang mga aso at hinihimuran ang kaniyang mga sugat.
22 At nangyari, na namatay ang pulubi at siya’y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham: at namatay naman ang mayaman, at inilibing.
23 At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham at si Lazaro na nasa kaniyang sinapupunan.
24 At siya’y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri at palamigin ang aking dila; sapagka’t naghihirap ako sa alab na ito.
25 Datapuwa’t sinabi ni Abraham, Anak alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapuwa’t ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan.
26 At bukod sa lahat ng ito, ay may isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga magibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari, at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin.
27 At sinabi niya, Ipinamamanhik ko nga sa iyo, ama, na suguin mo siya sa bahay ng aking ama;
28 Sapagka’t ako’y may limang kapatid na lalake; upang kanila’y patotohanan niya, baka pati sila’y mangaparito sa dakong ito ng pagdurusa.
29 Datapuwa’t sinabi ni Abraham, Nasa kanila si Moises at ang mga propeta; bayaang sila’y pakinggan nila.
30 At sinabi niya, Hindi amang Abraham: datapuwa’t kung ang isang mula sa mga patay ay makaparoon sa kanila, sila’y mangagsisisi.
31 At sinabi niya sa kaniya, Kung di nila pinakinggan si Moises at ang mga propeta, ay di rin mangahihikayat sila, kahit ang isa’y magbangon sa mga patay.
Ito ang isa pang patunay na ang inyong buhay ay hindi pisikal, ito ay espirituwal. At kapag nawala ang inyong koneksyon sa pinanggagalingang espirituwal na kalagayan, kayo ay nahiwalay mula sa Panginoon, kapag kayo ay namatay kayo ay hindi makapupunta sa langit.
(Itutuloy)