EYESHA ENDAR
KINUMPIRMA na ni Binibining Pilipinas Universe 2009 Bianca Manalo ang estado ng relasyon nila ni Senator Sherwin Gatchalian.
Sa pamamagitan ng kaniyang post sa social media, ipinakita ni Bianca ang sweet photo nila ng 45-year-old senator kasabay ng kanilang first anniversary.
Makikita sa larawan na magkaholding hands ang 31-year-old beauty queen turned actress at si Gatchalian with matching caption na “Imagine being loved the way you love.”
Nobyembre ng nakaraang taon nang unang namataan sa publiko na magkasama ang dalawa.
Noong nakaraang buwan naman nang ibahagi ni Bianca ang larawan nila ng senador ngunit walang anumang kumpirmasyon.